WEATHER UPDATE | Localized rainshowers, asahan kahit maganda ang panahon sa buong bansa

42

Maganda ang panahon sa halos buong bansa ngayong gimik Friday!

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – walang sama ng panahon ang nakita sa loob at sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Dalawa aniya ang weather system ang nakakaapekto sa bansa: ang easterlies at ang northeast monsoon o hanging amihan.

Sa kabila ng magandang panahon, magdala pa rin ng payong dahil magkakaroon ng mga panandaliang ulan dulot ng localized thunderstorms.

Facebook Comments