SHOOTING INCIDENT | Halos 30 ang nasawi sa 4 na insidente ng mass shooting sa US

106

Umabot na sa 27 ang patay sa apat na insidente ng pamamaril sa Estados Unidos sa nakalipas na dalawang linggo.

· October 24 – dalawang mamimili ang pinatay sa parking lot at sa loob ng isang retail shop sa Jefferson, Kentucky

· October 27 – 11 tao na dumalo sa Shabbat services ang pinagbabaril ng armadong lalaki sa Pittsburgh Synagoue

· November 2 – dalawang babae, kabilang ang isang physician at isang college senior ang tinambangan sa loob ng isang yoga studio sa Tallahassee, Florida

· November 7 – 12 ang patay habang lagpas isang dosena ang sugatan matapos mamaril ang isang dating U.S. Marine veteran sa loob ng isang bar sa Thousand Oaks, California
– Kasama sa mga nasawi si Alaina Houseley, 18-anyos Filipino-American
– Ang ina ng biktima si Hannah Punzalan Housely at pamangkin ng Hollywood actress Tamera Mowry-Housley.

Una nang ipinanawagan ni U.S. President Donald Trump na paigtingin ang gun control measures.

Facebook Comments