Nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) at ang hanging habagat.
Huling namataan ang LPA sa 695 kilometers silangan – hilagang silangan ng Basco Batanes.
Malalakas na pag-ulan ang asahan sa Mindoro at Palawan.
Maghapon naman ang ulan sa Calabarzon at Bicol Region.
May mahihinang ulan sa Eastern at Central Visayas.
Zamboanga Peninsula at Sulu Archipelago pa rin ang makakaranas ng pag-ulan sa Mindanao.
Mataas pa rin ang posibilidad ng pag-ulan sa Metro Manila.
Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:04 ng gabi
Facebook Comments