WEATHER UPDATE | LPA, inaasahang papasok bukas sa PAR

Manila, Philippines – Bukas, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA sa Karagatang Pasipiko.

Huli itong namataan sa layong 1, 875 kilometers east ng Mindanao.

Sakaling maging ganap na bagyo, tatawagin itong “Caloy”.


Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa bansa ang LPA at tanging hanging amihan ang nakakaapekto sa Luzon.

Tail-end ng cold front naman ang umiiral sa buong Visayas, Northern Mindanao at Caraga habang makararanasa ng localized thunderstorm ang nalalabing bahagi ng Mindanao region.

Nauna nang sinabi noon ng pagasa na sa Abril pa posibleng maideklara ang pagsisimula ng dry season.

Facebook Comments