Manila, Philippines – Nananatiling mababa ang tyansa na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na nasa bahagi ng Guam.
Ito ang sinabi ng PAGASA, kasunod ng kanilang forecast na posibleng ngayong weekend ay tuluyan nang tumama sa lupa ng guam ang naturang LPA.
Samantala, nagbabala rin ang PAGASA sa publiko na maging handa dahil sa inaasahang thunderstorm sa ilang bahagi ng bansa mamayang hapon.
Ayon sa weather bureau, makakaranas ng maghapon na pag-ulan sa extreme northern Luzon at sa mga probinsya ng Aurora at Quezon habang makakaranas din ng thunderstorm ang halos buong parte ng Luzon.
Sa Visayas naman, magiging maaliwalas ang panahon pero may mga mahihinang ulan naman pagdating sa hapon sa Eastern Visayas.
At magiging maulan sa maghapon sa Mindanao region lalo na sa soccsksargen, ARMM at Northern Mindanao.