WEATHER UPDATE | LPA na nasa loob ng PAR, patuloy na binabantayan

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang unang sama ng panahon sa layong 620 kilometers hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Habang lalong lumapit ang isa pang LPA na ngayon ay nasa 95 kilometers na ng kanluran hilagang-kanluran ng Calapan, Oriental Mindoro.


Pinalalakas ng dalawang LPA ang hanging habagat na siyang nakaaapekto pa rin sa Luzon at Visayas.

Dahil dito, patuloy na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Luzon kabilang ang Metro Manila at Western Visayas.

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa mas maulap na papawirin na may panaka-nakang pag-ulan.

Facebook Comments