WEATHER UPDATE | LPA na nasa loob ng PAR, patuloy na nakakaapekto sa bansa

Patuloy na nakakaapekto sa hilaga at sentral Luzon ang Low Pressure Area o LPA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa layong 75 kilometers ng timog silangan ng Basco, Batanes.

Dahil dito, asahan na ang ulan sa malaking bahagi ng hilagang Luzon na pinaigting ng hanging habagat.


Asahan naman ang magandang panahon sa Visayas at Mindanao maliban sa mga isolated rainshower at thunderstorm dulot ng localized convection.

Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:03 ng gabi

Facebook Comments