Binabantayan sa loob ng bansa ang isang Low Pressure Area (LPA).
Huli itong namataan sa layong 200 kilometers hilaga ng Basco, Batanes.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Meno Mendoza, nagdadala ito ng pag-ulan sa dulong hilagang Luzon at northern Luzon.
Asahan ang ulang dala ng LPA sa Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Apayao at Abra.
Maganda na ang panahon sa natitirang bahagi ng bansa maliban sa mga panandaliang ulan.
Samantala, patuloy na binabantayan sa labas ng bansa ang typhoon ‘Mangkut’ na nasa 2,745 kilometers east ng southern Luzon.
Taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130 kph at pagbugsong nasa 150 kph.
Inaasahang papasok ito sa bansa sa Miyerkules.
Facebook Comments