WEATHER UPDATE | LPA sa loob ng PAR, binabantayan ngayong ng PAGASA

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ngayon ng PAGASA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Weather Bureau, huli itong nakita 715 kilometers sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Ngayong weekend, inaasahan na maging ganap itong tropical depression at tatawaging bagyong Henry.


Ang LPA na ito ang nagpapalakas ng hanging habagat na siyang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Mararamdaman ang isolated rainshower at thunderstorm dito sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Rizal, Laguna kasama ang Quezon Province.

Sa Visayas, western section ang maulan habang makakaranas din ng gloomy weather ang eastern part.

Sa Mindanao, localized thunderstorm ang magpapaulan sa Surigao provinces, Compostella Valley at Davao Oriental.

Nagbabala naman ang pagasa sa posibleng pagguho ng lupa at pagbaha dulot ng mga pag-ulan.

Pinapayuhan din ang maliliit na sasakyang pandagat na iwasan ang paglalayag dahil magiging maalon ang karagatan.

Facebook Comments