WEATHER UPDATE | LPA sa PH Sea, walang epekto sa nararanasang panahon sa bansa

Hindi nakakaapekto ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng bansa.

Ito ay namataan sa layong 970 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – mababa ang posibilidad nito na maging bagyo.


Aniya, asahan pa rin ang magandang panahon sa halos buong bansa.

Ligtas namang makakapaglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa lahat ng baybayin sa bansa dahil banayad hanggang sa katamtaman ang alon.

Facebook Comments