WEATHER UPDATE | Magandang panahon, asahan ngayong araw – PAGASA

Asahan ang magandang panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Ito’y dahil humina ang hanging habagat at umiiral ang isang High Pressure Area (HPA).

Maaliwalas ang panahon sa hilagang Luzon, central Luzon at Metro Manila.


Pero magkakaroon pa rin ng mga isolated rainshowers pagdating ng hapon.

Sa Bicol Region, Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na panahon na may mahina hanggang sa katamtamang ulan.

Ayon sa DOST-PAGASA, lima hanggang pitong bagyo pa ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon.

Tuwing buwan ng Oktubre at Disyembre ang mataas ang posibilidad na tumatama ang mga bagyo sa bansa.

Facebook Comments