Mainit subalit basang panahon ang asahan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – bukod kasi sa maalinsangang panahong dala ng easterlies, maghahatid din ito ng ulan.
Sa Visayas at Mindanao, maaliwalas ang panahon maliban sa mga kalat-kalat na pag-ulan sa Samar, Leyte, Davao Oriental at Occidental, Soccsksargen at Sulu Archipelago.
May mahihinang ulan sa Bicol Region habang ang natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon.
Pinag-iingat ang mga papalaot sa hilaga at silangang baybayin ng bansa dahil magiging katamtaman hanggang sa maalon ang kondisyon ng karagatan.
Facebook Comments