WEATHER UPDATE | Malaking bahagi ng bansa, posibleng ulanin

Manila, Philippines – Umiiral ang north easterly wind flow sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa malaking bahagi ng bansa.

Posible ang mahina hanggang sa malalakas na ulan sas Cordillera, Eastern Visayas at Davao Region.


Sa Metro Manila, magiging mainit ang panahon pero may posibilidad pa rin ng mga pag-ulan sa hapon.

Ngayong Abril, posible pa rin ang pagpasok ng isang bagyo sa bansa na maaring lumihis o tumama ng lupa.

Sunrise: 5:50 ng umaga
Sunset: 6:08 ng gabi

Facebook Comments