WEATHER UPDATE | Malaking bahagi ng bansa, uulanin ngayong weekend; Habagat, palalakasin ng 2 bagyo na nasa loob at labas ng PAR

Magiging maulan ang weekend sa malaking bahagi ng bansa dahil sa habagat na pinalalakas ng dalawang bagyo.

Ayon sa Weather Bureau, isang bagyo ang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang nasa labas ang isa.

Huling nakita ang bagyong Karding, 1080 kilometers east northeast ng Basco, Batanes.


Taglay pa rin ang lakas ng hangin na 75 kilometer per hour at may pagbugsong 90 kph.

Kung hindi magbabago ang bilis ng bagyong Karding ay lalabas na ito ng PAR ngayong araw.

Naging bagyong Luis naman ang Low Pressure Area (LPA) sa West Philippine Sea at namataan ito ng PAGASA sa layong 1,155 kilometers kanluran ng Extreme Northern Luzon.

Kaya asahan ang isolated rainshower at thunderstorm dito sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, ilang bahagi ng Calabarzon at Mindoro.

May banta rin ng landslide at flashflood sa mga nabanggit na lugar.

Mataas din ang alon sa western seaboard ng Luzon kasama na ang probinsya ng Ilocos Region, Zambales, Bataan hanggang Northern Palawan.

Makakaranas din ng localized thunderstorm ang western at eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, rehiyon ng Caraga at Davao.

Sunrise – 5:41 am
Sunset – 6:21 pm

Facebook Comments