WEATHER UPDATE | Malamig na panahon asahan sa malaking bahagi ng Luzon

Malamig na panahon ang mararamdaman sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa umiiral na northeasterly surface windflow.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang maaliwalas na panahon sa Northern at Central Luzon. Habang mainit pero magandang panahon naman ang iiral sa Visayas at Mindanao.

Samantala, papalapit na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang tropical depression na nasa 1,555 kilometer silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.


Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 45 kilometer per hour at pagbusong aabot sa 60 kilometer per hour.

Sa kasalukuyan, wala pa itong direktang epekto sa bansa at sakaling makapasok na ito sa PAR, tatawagin itong bagyong Samuel.

Facebook Comments