Lalo pang lumakas ang typhoon Mangkhut o bagyong Ompong habang papalapit ng bansa.
Sa monitoring ng DOST-PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,390 kilometers, silangan ng katimugang Luzon.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na nasa 200 kilometers per hour at pagbugso na nasa 245 kph.
Ayon kay Weather Specialist Chris Perez, makakapag-ipon pa ito ng lakas dahil bumagal ang kilos pa-kanluran na nasa 20 kph.
Hindi nagbabago ang direksyong tatahakin nito dahil tutumbukin pa rin nito ang Batanes at Cagayan area.
Sa ngayon, hanging habagat pa rin ang nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Palawan, western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Facebook Comments