Inaasahang papasok na ngayong araw ang typhoon na may international name na ‘Mangkhut’.
Huli itong namataan sa layong 1,650 kilometers silangan ng southern Luzon.
Patuloy pa rin itong lumalakas na may maximum sustained winds na nasa 185 kilometers per hour at pagbugsong nasa 225 kph.
Kumikilos pa-kanluran ang bagyo sa 30 kph.
Kapag pumasok ito ng bansa ay inaasahang tatawagin itong bagyong Ompong.
Mamayang hapon ay papasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Tutumbukin ng bagyo ang Cagayan-Batanes area.
Palalakasin nito ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Western Visayas at Palawan.
Sa ngayon, nananatiling maganda ang panahon sa halos buong bansa maliban sa Ilocos Region, Batanes at Babuyan Group of Islands.