WEATHER UPDATE | Metro Manila at 4 na lalawigan sa Luzon nasa ilalim ng thunderstorm advisory – PAGASA

Manila, Philippines – Makakaranas ang Metro Manila at apat na lalawigan sa Luzon ng malakas na pagbuhos ng ulan sa loob ng dalawang oras.

Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA Weather Bureau at asahan na sa loob ng dalawang oras makakaranas ng malalakas na pag-ulan na may kasamang malakas na hangin at pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila at mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Zambales at Bataan.

Kabilang ang Quezon City, Caloocan,Valenzuela, Obando, Meycauayan, Marilao, Bulakan at Bocaue sa lalawigan naman ng Bulacan.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa posibleng idudulot ng pag-ulan lalo na sa mga lugar na prone sa pagbaha at landslide.


Facebook Comments