WEATHER UPDATE | Nabuong LPA sa labas ng PAR, binabantayan ngayon ng PAGASA

May nabuong Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,000 kilometers silangan ng dulong hilagang Luzon.

Hinahatak muli nito ang hanging habagat.


Asahan ang maghapong ulan sa Bataan, Zambales, Calabarzon, MIMAROPA maging sa Bicol Region.

Buong Visayas pa rin ang makakaranas ng pag-ulan.

Ang Sulu Archipelago, Zamboanga Peninsula, ARMM at Soccsksargen ang uulanin pa rin sa Mindanao.

Posibleng umulan sa Metro Manila sa hapon o gabi.

Sunrise: 5:40 ng umaga
Sunset: 6:24 ng gabi

Facebook Comments