WEATHER UPDATE | Namataang LPA sa labas ng PAR, patuloy na minomonitor

Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ay nasa 1,105 kilometers Silangan ng Mindanao at inaasahang papasok sa PAR ngayong araw.

Mamangka sa Agusan Marsh Wildlife Sanctuary habang magdadala na ng pag-ulan ang trough o buntot ng lpa sa Caraga region.


Maglakad sa Valugan Boulder Beach sa Batanes kahit magdadala ng mahihinang ulan ang hanging amihan sa dulong Hilagang Luzon, Cordillera at Cagayan Valley.

Mabighani sa Isla ng Olotoyan sa Capiz habang maganda ang panahon ang aasahan sa buong Visayas maliban sa Samar at Leyte na may mahihinang ulan dulot ng Easterlies.

Maulap pa rin ang panahon sa Metro Manila at aabot sa 36°c ang heat index o init na mararamdaman ngayong araw.

Facebook Comments