WHITE POWDER | Kahina-hinalang package na ipinadala kina Prince Harry at Meghan Markle, iniimbestigahan na

World – Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kahina-hinalang package na ipinadala kina Prince Harry at Meghan Markle.

Naglalaman ng White Powder substance ang package na tinanggap sa St. Jame’s Palace, ang Official London Residence ng mga British Royal Family.

Hindi binanggit ng mga awtoridad kung sino ang nagpadala.


Pero nang suriin, tiniyak na hindi delikado ang nasabing package.

Nabatid na nakatanggap din ng kahina-hinalang package na naglalaman ng white powder na pinaniniwalaang Anthrax sa manugang ni US President Donald Trump.

Facebook Comments