Umiiral ang northeasterly surface windflow na nakakaapekto sa Luzon.
Mayroon namang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan at Mindanao.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – ang dalawang weather systems ay magdadala ng thunderstorms.
Sa Visayas at Mindanao, maulap pero may posibilidad din ng thunderstorms.
Samantala, binabantayan ang tropical storm na may international name na ‘Yutu’ na nasa 3,375 kilometers silangan ng Mindanao.
Sa ngayon, maliit pa rin ang tiyansa na pumasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Facebook Comments