Manila, Philippines – Posible nang ideklara ang pagsisimula ng dry o summer season sa bansa ngayong linggo.
Ayon kay PAG-ASA Weather Forecaster Aldzar Aurellio, unti-unting nawawala ang pagbugso ng hanging amihan sa Luzon.
Pero maari pa ring tumagal ang epekto ng amihan dahil sa mahinang kondisyon ng la niña.
Paglilinaw pa ng weather bureau na maaring ideklara ang dry season sa ilang piling lugar lang sa bansa
Kabilang na ang Metro Manila, Ilocos Region, kanlurang bahagi ng Mountain Province at Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Bataan, Zambales, Occidental Mindoro, katimugang bahagi ng Antique at Iloilo, hilagang-kanlurang bahagi ng palawan at katimugang parte ng Negros island.
Asahan ang mainit at maalinsangang panahon sa halos buong bansa dala ng easterlies o mainit na hanging galing Pacific Ocean.
*Sunrise: 5:46 ng umaga*
*Sunset: 6:09 ng hapon*