Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Low Pressure Area na nasa Batanes.
Pero panibagong LPA na naman ang nagbabantang magpa-ulan sa bansa.
Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa silangan ng Visayas, at dahil nasa karagatan pa, posible itong maging bagyo sa loob ng isa o dalawang araw.
Sa ngayon ay patuloy na nagpapa-ulan ang habagat sa Northern at Central Luzon.
Samantala, nananatiling mataas ang porsyento ng pag-ulan sa Ilocos Provinces ngayong araw.
Pero maaraw naman sa Dumaguete at Cotabato, kung saan wala ring tyansa ng anumang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng nagdaang bagyo at habagat, isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Bulacan.