WEATHER UPDATE | Patuloy na pag-ulan sa western section ng Luzon, asahan

Inaasahang magpapatuloy ang pag-ulan hanggang weekend sa western section ng Luzon dahil sa hanging habagat.

Ayon sa Weather Bureau, patuloy na makakaranas ng light to moderate rains ang Metro Manila, Central Luzon, Batangas at Cavite.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar dahil sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.


Sa ngayon, patuloy pa ring mino-monitor ng PAGASA ang isang bagyo na nasa silangan ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huli itong nakita 2,060 kilometers silangan ng extreme northern Luzon at hindi naman ito inaasahang papasok sa ating PAR.

Sa nalalabing bahagi ng bansa, magiging maaliwalas naman ang panahon sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments