WEATHER UPDATE | Pilipinas, apektado ng dalawang Low Pressure Area

Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Huling nakita ng weather bureau ang sama ng panahon sa layong 420 kilometers silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Samantala, posibleng makaapekto sa ating weather system sa susunod na linggo ang isa pang lpa ang mino-monitor ng PAGASA sa labas ng PAR.


Patuloy naman nakakaapekto ang hanging amihan sa hilagang Luzon.

Dahil dito, asahan pa rin ang isolated rain shower sa Cagayan Valley region at Cordillera administrative region.

Sa Ilocos region, posible naman ang scattered rain shower habang dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang fair weather.

Para sa mga mangingisda at gumagamit ng maliliit na sasakyan pandagat delikado pa rin pumalaot sa seaboard ng batanes, Calayan, Babuyan, northern section ng Cagayan at northern part ng Ilocos Norte dahil mataas pa rin ang alon sa mga nabanggit na baybayin.

Sunrise – 6:22AM
Sunset – 5:59AM

Facebook Comments