WEATHER UPDATE | Severe tropical storm Rosita, humina pa habang papalabas ng PAR

Unti-unting lumalayo ng kalupaan ang severe tropical storm Rosita.

Namataan na ito sa layong 410 kilometers kanluran ng Dagupan, Pangasinan.

Humina pa ang lakas ng hangin nito sa 100 kilometers per hour at pagbugsong nasa 120 kilometers per hour.


Sa ngayon, halos hindi gumagalaw ang kilos ng bagyo na nasa West Philippines Sea.

Wala nang nakataas na tropical cyclone warning signals sa bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – patuloy pa ring makakaranas ng katamtaman hanggang sa paminsan ay malalakas na ulan lalo na sa kanlurang bahagi ng northern at central Luzon.

Gaganda na ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Nananatiling maaliwalas ang panahon sa Visayas at Mindanao.

Lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi.

Facebook Comments