WEATHER UPDATE | Severe tropical storm ‘Yutu’, patuloy na binabantayan ng PAGASA

Binabantayan pa rin sa labas ng bansa ang severe tropical storm na may international name na ‘Yutu’.

Namataan ito sa layong 2,925 kilometers silangan ng Visayas.

Taglay nito ang malakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour at pagbugsong nasa 130 kph.


Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – wala pa ring direktang epekto ito sa bansa.

Hatid naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan at halos buong Mindanao ang thunderstorms.

Magiging maaliwalas ang panahon sa Visayas.

Umiiral naman ang northeasterly surface windflow sa hilagang Luzon.

Mainit at maalinsangan sa natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Facebook Comments