Patuloy na nakakaapekto ang southwest monsoon sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Kaya ayon sa PAGASA, asahan na ang mga pag-ulan sa western Visayas, Palawan, Mindoro, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Metro Manila, Bulacan at Pampanga.
Habang apektado naman ng isang Low Pressure Area (LPA) ang silangang bahagi ng Visayas at Mindanao na huling namataan sa layong 500 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Pero mababa lamang ang tyansa nitong maging bagyo.
Bukod dito, may isa pang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kung saan malaki ang tyansa nitong maging bagyo.
Facebook Comments