Malamig at basa ang mararanasang panahon ngayong araw.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – umiiral ang tail end of cold front sa silangang bahagi ng Katimugang Luzon.
Kasama rin ang Palawan, eastern at western section ng Visayas.
Ang hanging amihan naman ay nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.
Ang Central Visayas at buong Mindanao ay magiging maaliwalas ang panahon maliban sa mga isolated thunderstorms.
Facebook Comments