Malamig na panahon ang mararanasan sa malaking bahagi ng Luzon.
Ito ay dahil umiiral ang northeasterly surface windflow.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – asahan ang maaliwalas na panahon sa Northern at Central Luzon.
Sa Visayas at Mindanao, mainit pero maganda ang panahon.
Samantala, papalapit na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang tropical depression na nasa 1,615 kilometers silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph.
Inaasahang papasok ito ng PAR bukas o sa Lunes at tatawagin itong ‘Samuel’.
Facebook Comments