WEATHER UPDATE | Trough ng bagyong Rosita, patuloy na magpapaulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon

Nakalabas na ng bansa ang severe tropical storm Rosita.

Pero patuloy na magpapaulan ang trough nito sa kanlurang bahagi ng hilagang Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 402 kilometers kanluran – hilagang kanluran ng Laoag City.


Lumakas ang dala nitong hanging nasa 90 kilometers per hour at pagbugsong nasa 115 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – may pag-ulan pa rin sa dulong Hilagang Luzon.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay magiging maganda na ang panahon.

Mainit at maalinsangan naman sa buong Visayas at Mindanao.

Facebook Comments