WEATHER UPDATE | Trough ng LPA, nagpapaulan na sa silangang bahagi ng Mindanao

Nagdadala ng pag-ulan sa Mindanao ang extension ng Low Pressure Area (LPA).

Ang LPA ay namataan sa layong 1,000 kilometers silangan ng Mindanao.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – mababa ang tiyansa nito na maging isang bagyo.


Magdadala naman ng mahina hanggang sa katamtamang ulan ang hanging amihan sa Cagayan Valley, Cordillera, Quezon, Aurora, Bicol Region at Eastern Visayas.

Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon at Kabisayaan.

Facebook Comments