ARESTADO | Higit 50 pulis, huli sa pakikipagsabwatan sa isang drug gang sa Brazil

Higit 50 pulis ang inaresto dahil sa pagtanggap ng lagay sa pinakamalaking drug gang.

Ang 53 pulis ay miyembro ng 22nd Battalion ng Sao Paulo State Police – katumbas ng 10% ng kabuoang police force.

Hawak naman ng mga awtoridad ang tatlong miyembro ng first capital command drug gang.


Kapalit ng suhol sa mga pulis, nagagawa ng mga miyembro ng first capital command drug gang na maipagpatuloy ang narcotics trade.

Ang drug gang ang halos may hawak ng cocaine at gun shipments sa Brazil at ang drug trade sa mga kalapit na bansa at ang drug shipping sa Africa at Europe.

Facebook Comments