WEATHER UPDATE | Trough ng LPA, nagpapaulan sa ilang bahagi ng Mindanao

Hatid pa rin ng hanging amihan ang malamig na panahon lalo na sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – bitbit din ng amihan ang mga pag-ulan partikular sa Cagayan Valley, Cordillera at Aurora.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay magiging maaliwalas pero may posibilidad pa rin ng mga pag-ulan.


May binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng ating area of responsibility.

Mababa pa ang posibilidad nito na maging isang bagyo.

Pero ang extension o buntot ng LPA ay nagpapaulan na sa ilang bahagi ng Mindanao.

Delikadong maglayag para sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat ang mga baybayin ng Northern Luzon, silangang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Eastern Visayas.

Facebook Comments