Halos hindi ramdam ang epekto ng typhoon Paeng kahit nasa loob ito ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 725 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Bahagya itong humina na may lakas ng hanging nasa 170 kilometers per hour at pagbugsong nasa 210 kilometers per hour.
Kumikilos ito pahilaga at malabo na itong mag-landfall.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – asahan ang magandang panahon sa halos buong bansa.
Pero asahan ang localized rainshowers sa dakong hapon o gabi.
Tinutumbok na ng bagyo ang katimugang bahagi ng Japan.
Mapanganib pa ring pumalaot sa northern at eastern seaboards ng Luzon at eastern seaboards ng Visayas.
Lalabas ng bansa ang bagyo sa Sabado, September 29.
Facebook Comments