Nananatili pa rin sa Philippine Sea at tila hindi gumagalaw ang typhoon Paeng.
Huling namataan ito sa layong 695 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
May lakas ng hanging nasa 160 kilometers per hour at pagbugsong nasa 195 kph.
Mabagal itong kumikilos pa hilangang kanluran at inaasahang lalabas ang bagyo bukas.
Bukod dito, ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Meno Mendoza – binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) nasa 2,915 kilometers silangan ng Mindanao.
Dahil walang halos epekto ang bagyong Paeng sa bansa, asahan ang magandang panahon.
Pero magkakaroon pa rin ng mga panandaliang ulan dulot ng localized thunderstorms.
Facebook Comments