TIMBOG | Isang padre de pamilya, huli sa pangmomolestiya sa sariling anak

Valenzuela City – Kalaboso ang isang padre de pamilya matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa sarili niyang anak sa loob ng pitong taon sa Valenzuela City.

Ayon kay Police Chief Inspector Rhoderick Juan, hepe ng Valenzuela Police, ginagawa ng suspek na itinago sa pangalang “Caloy” ang pang-aabuso sa anak kapag wala sa bahay ang kaniyang misis.

Bagaman todo hingi ng tawad, desidido ang mag-ina na kasuhan si Caloy ng statutory rape in relation to child abuse.


Nagpaalala naman ang mga awtoriad sa publiko na maging mapagmatyag sa mga kilos ng ibang tao kahit pa sa miyembro ng pamilya o kasama sa bahay.

Facebook Comments