Binabantayan pa rin ng PAGASA si typhoon “Yutu” sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1, 955 kilometers silangan ng northern Luzon taglay ang lakas ng hanging aabot sa 180 kilometers per hour at pagbugsong 220 kph.
Sa susunod na 24 oras, magandang panahon pa rin ang iiral sa malaking bahagi ng bansa.
Bukas ng umaga, inaasahang papasok sa loob ng PAR si bagyong Yutu at papangalanan itong si bagyong Rosita.
Sa Lunes, October 29 – magtataas na sila ng warning signal sa northern Luzon partikular sa Cagayan, Isabela at Aurora Area na makakaranas na ng light to moderate rains.
Matagal ang mararanasang pag-ulan dahil bahagyang babagal ang bagyo habang papalapit sa kalupaan.
Malaki ang tiyansa na mag-landfall ito sa Cagayan sa hatinggabi ng Martes o madaling-araw ng Miyerkules kung saan mas malalakas na pag-ulan na ang mararanasan sa Northern at Central Luzon.
Pagtama sa lupa, posibleng magtaas ang PAGASA hanggang storm warning signal no. 3
Sa November 1, nakalampas na ng kalupaan ang bagyo pero asahan pa rin ang mga pag-ulan hanggang sa November 2.