Website ng Bureau of Customs, hinack ng isang ‘Ultimate Haxor’

Image via Department of Finance

Hindi nakaligtas sa kamay ng hackers ang website ng Bureau of Customs (BOC) matapos itong galawin ng hindi pa nakilalang salarin kahapon, Hunyo 24.

Makikita sa webpage ang mga salitang “Hacked by Ultimate Haxor”.

Mariing kinundena ni Customs Commissioner Rey Guerrero ang ginawang pangha-hack at umano’y hakbang ito para mahinto ang computerization program ng pamunuan.


Screenshot via customs.gov.ph

Pagtitiyak ni Guerrero, ligtas ang website ngayon at walang impormasyong makukuha ang hackers. Naglabas din sila ng anim na information systems at maayos itong gumagana.

Humingi na din ng tulong ang ahensiya sa National Computer Response Team sa ilalim ng Cybersecurity Bureau ng DICT upang tiyakin hindi na ito ma-aaccess ng hackers.

Sa kasakuluyan, hindi pa rin bumubukas ang website ng Customs.

Facebook Comments