Inutusan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga internet services provider na i-block ang mga website na konektado sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.
Bago ito, matatandaang sumulat si National Security Adviser Hermogenes Esperon sa NTC upang hilingin na i-block ang access sa 25 website na naka-link sa CPP-NPA-NDF na idineklarang teroristang grupo ng administrasyong Duterte.
Kabilang din sa mga ipinapa-block ng NTC ay mga website ng mga progresibong grupo at independent media.
Samantala, wala namang nabanggit na dahilan sa hiling ni Esperon na i-block ang website ng progresibong grupo at independent media gaya ng Bulatlat at Pinoy Weekly.
Pero tinukoy sa sulat na affiliated at sumusuporta sa mga terorista at teroristang grupo ang mga naturang website.