32 karagdagang kaso ng BA.5 Omicron subvariant, naitala ng DOH

58

Nakapagtala ang Department of Health ng 32 bagong kaso ng mas nakahahawang BA.5 Omicron subvariant.

Dahil dito, aabot na sa 43 ang kabuuang kaso nito sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 21 sa mga bagong kaso ay nagmula sa Western Visayas, apat sa Calabarzon, apat sa NCR at tatlo sa Central Luzon.


Facebook Comments