Hindi na ma-access ng mga estudyante ang website ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa aplikasyon ng educational assistance.
Ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez, hindi muna tatanggap ng mga aplikasyon ang kanilang website para sa tulong pinansyal dahil puno na ito.
Aniya, umabot na sa 1.2 million na aplikasyon ang kanilang natanggap mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa ngayon, patuloy aniya ang kanilang pagproseso sa mga aplikasyon para mabuksan muli ito sa mga estudyanteng nais magparehistro online.
Paliwanag ni Lopez, hindi nila maaaring burahin sa kanilang system ang mga aplikasyon hangga’t hindi ito napoproseso.
Kasabay nito, humingi naman ng paumanhin ang DSWD sa nangyayaring aberya sa kanilang website.
Facebook Comments