Website para sa mga kakandidato sa 2022 elections, sinisilip ng COMELEC

Pinag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) na maglunsad ng website hinggil sa mga kakandidato para sa 2022 presidential and local elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner Antonio Kho, lahat ng kandidato ay posibleng mapasama sa website tulad ng mga tatakbo sa pagka-Presidente.

Aniya, sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng access ang publiko sa mga kandidato at malalaman ang kanilang plataporma o opiyon sa napapanahong isyu.


Tiniyak din ni Kho na bumubuo na sila ng new normal manual para sa pagsasagawa ng eleksyon habang may COVID-19 pandemic.

Facebook Comments