Weekend vaccination para sa mga may trabaho ng weekdays, hiniling ng isang kongresista

Nanawagan sa gobyerno si dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin na magsagawa ng COVID-19 vaccination tuwing weekend.

Ito ay para ma-accommodate ang mga taong nagtatrabaho tuwing weekdays o Lunes hanggang Biyernes.

“Weekend inoculations are important as this would allow people to continue working and earning for their families and loved ones,” pahayag ni Rep. Garin.


Paliwanag ni Garin, mahalaga na magkaroon na rin ng “weekend inoculation” upang makapagtrabaho at patuloy pa ring kumita ang mga tao.

“Kung aabsent sila, makakaltasan pa sila sa suweldo, bagay na hindi dapat mangyari dahil napakahalaga na buo ang maiuuwi nilang kita sa pamilya,” ani Garin.

Tinukoy ni Garin na marami sa A4 category ang gustong magpabakuna ngunit hindi agad magawa dahil sa trabaho at kung mag-leave o absent man ay otomatiko itong kaltas o walang sweldo.

“If they get vaccinated using mRNA vaccines, they can rest on Sunday while those taking the inactivated vaccine can receive their jabs on Sunday,” sabi ni Rep. Garin.

Makakatulong din sa mga workers ang weekend vaccination upang mabigyan sila ng panahon na makapagpahinga pagkatapos ng mabakunahan.

Inirekomenda ng mambabatas na gamitin ng Department of Health (DOH) ang mga volunteers para magsagawa ng weekend jabs para makapagpahinga rin ang regular vaccinators mula sa kanilang weekday duties.

Facebook Comments