WELCOME | Joint declaration ni PRRD at Japanese PM Abe, suportado

Manila, Philippines – Welcome kay acting Chief Justice Antonio Carpio ang pinasok ng Pangulong Rodrigo Duterte na joint declaration kay Japanese PM Shinzo Abe.

Partikular ang pagpapatibay sa freedom of navigation at overflight sa South China Sea.

Nangangahulugan ito na maaring dumaong ang mga barko ng mga bansang uma-angkin sa nasabing karagatan at maaari ring dumaan sa himpapawid ang mga aircraft nang hindi na kinakailangang humihingi ng permiso.


Kabilang din sa freedoms ang pagsasagawa ng military activities sa South China Sea tulad ng naval at aerial drills.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinuportahan ni Carpio ang hakbang ng Pangulong Duterte kaugnay ng isyu ng mga teritoryong pag-aari ng Pilipinas na ina-angkin ng China.

Facebook Comments