Welder, Patay Matapos Magulungan!

462

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang 40 anyos na lalaki matapos na magulungan ng sasakyan ganap na ala una kaninang madaling araw sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Brgy. Babanuang, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Regie Osoteo, walang asawa, isang welder at residente ng Brgy. Babanuang, San Manuel, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), binabaybay ng biktima ang nasabing lansangan lulan ang minamanehong motorsiklo na may plakang BC 27322 patungo sa Timog na direksyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bigla itong bumagsak sa daan.

Dito na nasagasaan at nagulungan si Osoteo ng nakasunod na Ford Ecosport na may plakang BAA 4415 na minamaneho ni Faisal Natividad, 18 anyos, binata, Grade 12 student at residente ng Brgy. Sili, Aurora, Isabela.

Isinugod pa ng Rescue 888 sa pagamutan ang biktima matapos itong makaladkad subalit idineklara rin ito na dead on arrival (DOA) ng kanyang attending physician.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang drayber ng sasakyan maging ang dalawang behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.




Facebook Comments