Bukod sa pagsasampa ng kaso laban kay Wellmed owner Brian Sy at sa mga opisyal ng PhilHealth, sabit din sa kaso ang dalawang whistleblowers ghost dialysis’ scam.
Ayon sa NBI, kakasuhan din ng estafa at falsification sina whistleblowers Liezel Santos at Edwin Roberto.
Pasado alas kwatro ngayong hapon dumating sa DOJ si Sy kung saan isinailalim ito sa inquest proceedings.
Kasama rin sa isinailalim sa nasabing proseso ang dalawang whistleblowers.
Kinumpirma rin ni Atty Cris Jandusay, abogado ng whistleblowers na kasama sa under arrest ngayon ang dalawang whistleblowers.
Nangangahulugan ito na Bukod kay Sy , nagpalipas din ng magdamag sa kustodiya ng NBI ang magkarelasyon na whistleblowers.
Samantala, kasama rin sa mga kinasuhan ng NBI ang iba pang mga opisyal ng WellMed na sina Dr. John Ray Gonzales, Medical Director; Claro Sy, Chairman; Alvin Sy, Corporate Treasurer; Therese Francesca Tan, Purchasing Officer at maybahay ni Bryan Sy; Dick Ong, Administration Officer; at Physicians na sina Dr. Porshia Natividad and Joemie Soriano.