WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL 1 SA DAGUPAN CITY, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA PARA SA BRIGADA ESKWELA 2025

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng pamunuan ng West Central Elementary School 1 sa Dagupan City kasunod ng nalalapit na Brigada Eskwela 2025, sa darating na Hunyo 9.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Renato R. Santillan, School Principal ng nasabing paaralan, ibinahagi niya na maagang nagsimula ang kanilang koordinasyon sa mga magulang, guro, at iba’t ibang stakeholders upang matiyak ang maayos at sistematikong pagsasagawa ng Brigada Eskwela.
Ayon kay Santillan, kabilang sa kanilang mga inisyatiba ang paglilinis at pagkukumpuni ng mga silid-aralan, pag-aayos ng mga sirang upuan at bintana, pagtatanggal ng mga sanga ng puno, at pagdadaanan ng mga estudyante sa parteng may tubig baha upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase.
Hinihikayat naman ng pamunuan ng West 1 ang publiko na nais tumulong at makiisa sa gaganaping paglilinis at pagsasaayos ng paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments