Pinangangambahang maipit ngayon ang probinsya ng Palawan sa namumuong tensyon sa pagitan ng Amerika at China sa West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito ng palitan ng pahayag ng dalawang bansa kung saan ito ang unang pagkakataon na direktang binanggit ng Amerika na mayroong missiles ang China sa Spratly Island.
Giit ng Amerika, tanggalin ng China ang kaniyang missiles mula sa tatlong heavily fortified outposts sa Spratly Island.
Habang sinagot naman ng China ang paratang ng US at sinabing dapat iwasan na rin nito ang pagpapadala ng mga military aircraft sa South China Sea.
Sa interview ng RMN Manila kay Palawan Governor Jose Chavez Alvarez – handa ang kanilang lokal na pamahalaan sakaling lalong lumala ang girian ng Amerika at China.
Pero, aminado si Alvarez na maging sila ay tutol sa pagtatayo ng China ng missiles system sa WPS lalo na at direktang banta ito sa national security ng Pilipinas.